TAMANG PAGSUOT NG SURGICAL MASK

0
3610

Marami ang kumakalat sa social media na mga post tungkol sa pagsuot ng facemask o surgical mask. Ayon sa mga post na ito, ang puti ay nasa labas kung walang sakit at ang may kulay naman pag may sakit. Ngunit ayon sa mga eksperto, hindi ito totoo dahil iisa lamang ang tamang pagsuot nito.

PAANO ANG TAMANG PAGSUOT NG MASK?

Bago hawakan ang mask, maghugas muna ng kamay.

Ang surgical mask ay may tatlong layer.
Ang blue o ang may kulay ay dapat nasa labas dahil isa itong liquid repellant. Pinipigilan nitong makapasok ang anumang bodily fluids tulad ng pawis, dugo o plema na pumasok sa mask.

Ang gitnang layer naman nito ay nagsisilbing filter para sa bacteria. Ang white o puting layer nito ay nagsisilbing taga-absorb ng laway ng nagsusuot.

Photo by Janko Ferlic from Pexels

Iisa lamang ang tamang pagsuot ng mask, may sakit ka man o wala, dapat ang may kulay na bahagi nito ay nasa labas.

Kung may air pollution o ashfall, mas mabuting N95 mask ang gamitin dahil mas nafi-filter nito ang mga dust particles at mas fit sa mukha ng tao.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here