BINABAD NA OKRA PARA SA DIABETES, HIGHBLOOD AT IBA PA

0
10115

Kilala ang okra sa madulas nitong katas na tinatawag na mucilage, pero alam nyo ba na ito din ay makakatulong sa mga taong may diabetes, highblood at iba?

Sikat na sikat ngayon ang binabad na okra sa tubig o Okra Water, dahil sa pambihira nitong katangian na kayang magpagaling at makatulong sa ating katawan.

MGA BENEPISYO

MABUTI PARA SA MAY DIABETES
May mga pag-aaral na ang okra ay kayang magpababa ng blood sugar at lipid levels.

PAMPABABA NG BLOOD PRESSURE
Dahil nagtataglay ang okra ng potassium, makakatulong ito upang ma-control ang ating blood pressure.

PAMPABABA NG CHOLESTEROL LEVEL
Ang okra ay may mayaman sa fiber at mucilage na makakatulong upang mapababa ang cholesterol level.
Ang mataas na cholesterol ay maaaring magbara sa mga daluyan ng dugo na magreresulta ng stroke at heart attack.

PANLABAN SA CANCER
Mayaman sa antioxidants ang okra na lumalaban sa mga free radicals na maaring pagmulan ng sakit na Cancer.

PAMPALINAW NG MATA
Makakatulong ito sa kalusugan ng mata dahil nagtataglay ang okra ng vitamin A, lutein at beta carotene na kailangan upang makaiwas sa paglabo ng mata.

PAANO GUMAWA NG OKRA WATER?

  1. Kumuha ng 4 na bunga ng okra.
  2. Hugasang mabuti ang okra.
  3. Tanggalin ang magkabilang dulo at hatiin sa dalawa.
  4. Ibabad ng magdamag sa isang basong tubig
  5. Tanggalin ang okra at inumin ang tubig bago kumain ng agahan.

Ngayong nalaman mo ang benepisyo ng okra water, mabuting ishare sa ating mga kamag-anak upang malaman din nila ang magandang benepisyo nito.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here