BUTO ng Papaya Para sa Kidney, Liver, Cancer at iba pa!

1
10411

Sa susunod na maghati ka ng papaya, wag mong itatapon ang buto nito dahil ayon sa mga pag-aaral, ang mga ito ay nakagagamot sa maraming karamdaman.

Baka ito na ang sagot o makakatulong sayo sa iyong kalusugan. Sa blogpost na ito, malalaman mo kung ano ang mga benepisyo ng buto ng papaya at kung paano ito kainin.

Ang buto ng papaya ay mayaman sa fiber, calcium, phosphorus, iron, papain, thiamine, niacin at vitamins na nakapag­papalakas ng bituka at immune system.

BENEPISYO NG BUTO NG PAPAYA

GAMOT SA CIRRHOSIS (LIVER DISEASE)
Ang buto ay maaring gamiting gamot sa liver cirrhosis o pagkasira ng atay.

PANLINIS SA KIDNEY
Maaring maiwasan ang sakit sa bato sa pamamagitan ng buto ng papaya. Ang Carpaine na taglay nito ay nakapagpapagaling ng damage na bato at tumutulong upang mailabas ang mga dumi sa katawan sa pamamagitan ng pag-ihi.

PAMPATIBAY NG BUTO
Ito ay mayaman sa anti-inflamatory agents na mabisang panggamot sa arthritis at joint pain. Pinapalakas din nito ang ating buto at muscles dahil sa calcium at protein na taglay nito.

PINAPABABA ANG BLOOD PRESSURE AT CHOLESTEROL LEVEL
Nagtataglay din ng fiber ang buto ng papaya. Ayon sa mga pag-aaral, ang pagkunsumo ng fiber ay tumutulong upang pababain ang blood pressure at cholesterol levels sa katawan.

Sa pamamagitan ng fiber sa katawan, nababawasan din nito ang tyansa na magkaroon ng heart disease, stroke, diabetes at obesity.

MAGANDA SA TAONG MAY DIABETES
Ang buto nito ay mayaman sa monounsaturated fatty acids at oleic acid.

Ayon sa pag-aaral sa mga taong may type 2 diabetes, ang pagkonsumo ng monounsaturated fatty acids ay nagbabawas ng 19 percent ng triglyceride levels at very low-density lipoprotein (VLDL) cholesterol level ng 22 percent.

MAYAMAN SA ANTIOXIDANTS
Ang mga antioxidants ay lumalaban sa free radicals para maiwasan ang maraming karamdaman.

PANLABAN SA CANCER
Ang mga nutrients at antioxidants na taglay nito ay maaring makaiwas sa pagkakaroon ng cancer.

PAANO KAININ?

Ang buto ay pwedeng kainin ng hilaw ngunit ito ay medyo mapait at may konting anghang. Para mawala ang lasa nito, maaring haluan ng honey. Ang honey ay may taglay ding mga health benefits.

Maari ding ihalo ang pinatuyong buto sa mga lutuin na parang paminta.

PAALALA:
Ang buto ng papaya ay maraming benepisyo ngunit wag po nating sosobrahan ang pagkonsumo. Ayon nga sa kasabihan, lahat ng sobra ay masama.

Pinapayuhan din ang mga babaeng nagdadalang tao na iwasan muna ito upang hindi makaepekto sa sanggol.

1 COMMENT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here