Kung mahilig ka sa Pipino o Cucumber, alam mo bang maraming benepisyo ang makukuha natin sa pagkain nito?
MGA BENEPISYO NG PIPINO
LABAN SA BAD BREATH
Ang mabahong hininga ay dala ng bacteria sa bibig. Ang mga phytochemicals ng pipino ay may mga antibiotic at antiseptic properties na maaaring pumatay sa bacteria na nagdudulot ng mabahong amoy sa bibig.
MAKAKATULONG SA BLOOD PRESSURE
May taglay na potassium ang pipino, ito ang tutulong upang mapababa ang blood pressure. Ayon sa mga pag-aaral, makakatulong ang potassium upang makaiwas sa stroke at mabawasan ang tyansang magkaroon ng cardiovascular disease.
PRINOPROTEKTAHAN ANG UTAK SA NEUROLOGICAL DISEASES
Ang anti-inflammatory substance na FISETIN na makikita sa pipino ay may malaking tulong sa brain health.
PANLABAN SA DIABETES
Ayon sa mga pag-aaral, ang mga pasyenteng may type 2 diabetes ay maaring mapababa ang kanilang blood sugar level sa pagkain ng pipino. Ito ay dahil sa mataas na fiber content at mababa lang na calories.
MAKAKATULONG SA DIGESTION
Ang fiber na taglay ng pipino ay makakatulong upang gumanda ang paggalaw at pagtunaw ng bituka. Dahil dito, mailalabas nito ang dumi at toxins sa ating katawan.
MAKAKATULONG SA PAGTUNAW NG KIDNEY STONES
Ang water content ng pipino ay nagsisilbing diuretic. Ito ay ang paglabas ng mga dumi sa katawan sa pamamagitan ng pag-ihi. Ang regular na pagkonsumo ng pipino ay makakatulong upang matunaw ang bladder at kidney stones.
PINIPIGILAN ANG PAGKAKAROON NG WRINKLES
Ang mataas na water content, vitamins at minerals ng pipino ay makakatulong upang mabawasan ang pagkulubot ng balat na dala ng pagtanda.
PANLABAN SA CANCER
Nagtataglay din ito ng mga anti-cancer properties na maaring mapigilan ang pagkakaroon ng breast cancer, prostate cancer, uterine cancer, at ovarian cancer.
NAGTATAGLAY NG ANTIOXIDANTS AT MICRONUTRIENTS
Ang Pipino ay may mataas na antioxidants na syang lumalaban sa mga free radicals sa ating katawan.
PAMPATIBAY NG BUTO
Ang pipino ay nagtataglay ng vitamin K. Ang isang cup ng pipino ay may 22 percent ng vitamin k na kailangan ng ating katawan.
Ayon sa mga pag-aaral, ang taong mababa ang vitamin K ay may mataas na tyansa na magkaroon ng bone fracture. Ang Vitamin K ay nakakatulong din upang mas ma-absorb ng ating buto ang calcium. (improving calcium absorption)
Ngayong alam mo na ang mga ito, simulan mo na ang pagkain ng pipino araw-araw.
Maraming pwedeng gawin sa pipino para makuha ang mga benepisyong ito, Maari itong gawing salad, pickles at juice.