Benepisyo ng Mansanas para sa HighBlood, Cholesterol at iba pa!

0
6576

Ang mansanas ay isa sa mga prutas na dapat nating kainin dahil marami itong benepisyo sa ating kalusugan. Ayon sa mga expert, an apple a day keeps the doctor away kaya’t kailangan tayong kumain nito.

BENEPISYO NG MANSANAS

PAMPABABA NG CHOLESTEROL LEVEL
Ang mansanas ay nagtataglay ng Pectin, isang natural fiber na makukuha sa pagkain ng prutas. Ayon sa mga research, makakatulong ito sa pagpapababa ng cholesterol level.

PANLABAN SA DIABETES
May mataas na Flavonoid ang mansanas at mababa lang ang Glycaemic Index. Makakatulong ito sa pagpapalakas ng Insulin sensitivity ng katawan na may malaking tulong pangontra sa Diabetes.

Image by pasja1000 from Pixabay

PAMPABABA NG HIGHBLOOD PRESSURE
Makakatulong ito sa pagkontrol ng blood pressure dahil sa potassium at mga antioxidants nito.

PANLABAN SA HEART DISEASE
Ang mansanas ay nagtataglay ng antioxidants na Quercetin. Napag-alaman ng American Journal for Clinical Nutrition na ang protective compound na ito na makikita sa mansanas ay nagpapababa ng tyansang magkaroon ng chronic diseases kabilang na dito ang Heart disease.

PAMPATIBAY NG MGA BUTO
May mga nutrients at vitamins ang apple na makakatulong sa pagpapatibay at pagprotekta sa mga buto.

VITAMIN C
Ang vitamin C ay makakatulong na pigilan ang mga free radicals sa pagsira ng mga cells ng katawan.

Nagpapalakas din ito ng ng Immune System panlaban sa mga impeksyon, ubo, sipon at lagnat.

B-COMPLEX VITAMINS
Ang mga riboflavin, thiamin, at vitamin B-6 na makukuha sa pagkain ng mansanas ay makakatulong sa maayos na Red Blood Cell at pagpapabuti ng Nervous System.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here