DELIKADONG EPEKTO NG SOFTDRINKS SA KATAWAN

1
13312

Marami sa atin ang mahilig sa softdrinks lalo na kung itoy malamig. Masarap itong inumin habang tayo’y kumakain o nagmemeryenda. Pero ayon sa mga pag-aaral, ang pag-inom nito ay may masamang dulot sa ating katawan.

MGA SAKIT NA MAKUKUHA SA PAG-INOM NG SOFTDRINKS

DIABETES
Dahil sa sobrang dami ng asukal sa softdrinks, maaari tayong magkaroon ng diabetes. Ang diabetes ay panghabang buhay na sakit dahil walang gamot para dito. Ang mga diabetes patient ay kailangang mabago ang lifestyle upang hindi lumala ang kanilang sakit.

NAKAKASIRA NG BUTO
Ang calcium ay isa sa mga kailangan ng buto upang tumibay, ngunit ang mga mga softdrinks ay nagtataglay ng sobrang phosphoric acid na pumapatay sa calcium ng katawan. Maaari itong humantong sa osteoporosis at pagkasira n gating buto.

OBESETY/PAGTABA
Ang matatamis na pagkain at inumin ay nakakataba at nakakalaki ng tyan o belly fats.

CANCER
Ayon sa mga pag-aaral, ang mga taong mahilig uminom ng softdrinks ay may mas mataas na tyansang magkaroon ng cancer.

PAGKASIRA NG NGIPIN
Ang mga acid ng softdrinks tulad ng phosphoric at carbonic acid ay maaring pagmulan ng cavities at pagkabulok ng ngipin.

GOUT ARTHRITIS
Ang gout ay ang pamamaga at pagkirot ng mga kasu-kasuan lalo na sa paa. Ito ay lumalabas kapag may mataas na uric acid sa ating dugo at nagiging crystallized.

Ang softdrinks ay nagtataglay ng fructose corn syrup na nagpapataas ng serum acid level.

Ayon sa mga pag-aaral, ang mga taong mahilig uminom ng softdrinks ay may mataas na tyansang magkaroon ng gout arthritis.

HEART DISEASES
Ayon sa mga pag-aaral, ang mga taong mahilig uminom ng matatamis na inumin araw-araw ay may 20% na tyansang makaranas o mamatay sa heart attack kumpara sa mga taong hindi gaanong umiinom ng softdrinks.

Tip: Huwag sanayin ang katawan sa pag-inom ng mga softdrinks, mas mabuting tubig o lemon juice nalang ang inumin natin.

1 COMMENT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here