MASAMANG SENYALES NA MERONG DIABETES

0
3726

May mga senyales ang pagkakaroon ng Diabetes. Ang maagang pagkaalam ng isang tao na isa syang diabetic ay makakabuti para malaman nito ang mga dapat nyang gawin bago pa ito lumala at magkaroon ng komplikasyon sa buong katawan.

PAANO NAGSISIMULA ANG DIABETES?

Ang mga pagkaing kinokonsumo natin ay ginagawang “glucose” ng katawan at ginagamit naman ito ng mga cell para maging enerhiya. Ngunit bago ito maging enerhiya, kailangan ng mga cell ang “insulin” para makuha ang glucose na ito sa dugo. Kapag hindi sapat ang insulin o hindi nagagamit ang insulin, ang cell ay hindi makakagawa ng enerhiya.

Ang mga glucose na ito ay maiiwan sa dugo o tinatawag na blood sugar. Dito magsisimulang lumapot ang dugo at makakaramdam ng mga komplikasyon.

May 3 uri ng diabetes, ito ay ang Type 1 Diabetes, Type 2 Diabetes at Gestational diabetes.

MGA SINTOMAS NG DIABETES

MADALAS NA PAG-IHI
Sa sobrang glucose sa dugo, pinipilit itong salain ng kidney. Sumasama ang ilang asukal sa ihi at nilalabas ito ng katawan. Dahil patuloy at dire-diretso ang pagsala ng kidney, lagi kang makakaramdam ng pag-ihi lalo na sa gabi.

PALAGING PAGKAUHAW
Dahil maraming nilalabas na tubig ang katawan, ito ay magreresulta sa dehydration kaya’t palagi kang makakaramdam ng pagka-uhaw.

PAGTUTUYO NG BIBIG
Dahil din sa labis na pag-ihi at dehydration, walang sapat na moisture ang iyong bibig at makakaramdam ka ng pagtuyo at pagbitak nito.

LAGING GUTOM AT NANGHIHINA
Dahil walang sapat na enerhiya ang iyong katawan, mararamdaman mo ang panghihina at lagging pagkagutom.

MALABONG PANINGIN
Ang sobrang glucose sa dugo ay nakaka-epekto sa paningin. Dahil hindi tama ang pagdaloy ng mga fluid sa mga tissues, nawawala sa focus ang mga lente ng mata. Kung ito ay mapapabayaan, maari itong humantong sa pagkabulag.

MABAGAL NA PAGGALING NG MGA SUGAT AT IMPEKSYON
Ang mataas na blood sugar level ay makaka-epekto sa daloy ng dugo at pinapabagal ang healing process ng katawan. Ang mga taong may diabetes ay makakaramdam ng mabagal na paggaling ng kanilang sugat lalo na sa paa.

Ang mga babaeng may diabetes ay maaaring tubuan lagi ng bladder and vaginal yeast infections.

PAMAMANHID NG KAMAY AT PAA
Makakaramdam ka ng parang tinutusok-tusok ang kamay at paa.

BIGLAANG PAGBABA NG TIMBANG
Kahit lagi kang kumakain dahil lagi kang gutom, babagsak parin ang iyong timbang. Ito ay dahil hindi kayang gamitin ng katawan ang mga pagkaing kinokonsumo.

Kung walang magawang enerhiya ang katawan sa pagkain, susunugin nito ang mga muscle at fat para pamalit bilang enerhiya.

LAGING NASUSUKA AT NAGSUSUKA

Ang mga nasunog na taba ay magiging “ketones” at hahalo sa dugo. Maaari itong maging delikado sa katawan kung mapapabayaan, ang tawag sa sakit na ito ay  diabetic ketoacidosis. Mararamdaman ang pagsususka dahil sa ketones.

PAANO MAIIWASAN ANG DIABETES?

  • Kumain ng mga prutas at gulay na mayaman sa fiber at ugaliing mag-exercise.
  • Kung nakakaramdam ka ng mga senyales na ito sa iyong katawan, mabuting magpatingin ka sa Doctor at ipasuri ang iyong dugo para malunasan agad ang iyong nararamdaman.
  • Wag kalimutang i-share ang video na ito sa iyong mga mahal sa buhay at kaibigan para maging aware din sila.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here