MGA PAGKAING PAMPATALINO AT MABUTI SA UTAK

0
12816

Ang mga pagkain ay may malaking epekto para sa utak. Makakatulong ang mga ito sa memorya, mas tumalino, at makaiwas sa pagkakaroon ng brain damage.

6 BRAIN FOODS to boost Focus and Memory

Image by congerdesign from Pixabay

MATATABANG ISDA (OILY FISH)
Ang salmon, tuna at sardines ay mga isdang mayaman sa omega 3-fatty acids. Ang Omega-3 ay kailangan ng utak upang makagawa ng brain at nerve cells. Nakakatulong ito sa memorya, makapag-isip ng mabuti at mas matuto.

Image by jacqueline macou from Pixabay

DARK CHOCOLATE
Ang cacao na ginagamit sa paggawa ng dark chocolate ay mayaman sa antioxidants na Flavanoids.
Ayon sa mga pag-aaral, ang flavonoids ay nagpapatalas ng memorya at pinipigilan ang pagka-ulyanin.

Image by monicore from Pixabay

ITLOG
Ang mga itlog ay nagtataglay ng mga nutrients na kailangan ng utak gaya ng vitamin B6, B12, folate at choline.
Ang choline ay kailangan ng mga bata para mag-develop ang kanilang utak at memorya.
May mga pag-aaral din na nakakabuti ito sa memory and mental function.

Image by cocoparisienne from Pixabay

KAPE
Ang kape ay may taglay na antioxidants at caffeine na may mabuting epekto sa utak at katawan. Nakakatulong ang pag-inom ng kape para makapag-focus at pag-memorya ng inaaral. Makakaiwas din sa pagkakaroon ng Parkinson’s at Alzheimer’s disease.

Image by Couleur from Pixabay

NUTS
Gaya ng mga oily fish, ang mga mani, walnuts, almonds at buto ng kasoy ay nagtataglay din ng Omega 3-fatty Acids.

Mayaman din ang mga ito sa Vitamin E na kailangan ng utak at protein para sa muscle building.

Image by Juraj Varga from Pixabay

AVOCADO
Ito ay mayaman sa vitamin B at healthy fats (monounsaturated fats) na nagpapaganda ng daloy ng dugo sa utak. Makakatulong din ito sa pagpapa-baba ng blood pressure at makakaiwas sa stroke at sakit sa puso.

Ang mga pagkaing ito ay makakatulong sa brain at memory health ngunit hindi ibig sabihin nito na hindi na tayo kailangang mag-aral. Ang pagbabasa at pakikinig ay kailangan parin upang madagdagan ang ating kaalaman.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here