Mga Dapat Malaman sa Novel Corona Virus (2019-nCoV)

0
2682

Sino nga ba ang hindi matatakot sa Novel Corona Virus (2019-nCoV) ngayong marami na ang namamatay at kasalukuyang nakararanas at kumakalat ang sakit na ito.

Ang 2019 Ncov ay sinasabing nagmula sa isang pamilihan sa Wuhan City sa bansang China na nagbebenta ng mga seafoods at mga hayop.

Ito ay kasama sa pamilya ng mga Coronaviruses na nagdudulot ng simpleng sipon hanggang sa malubhang sakit at maaaring makamatay, tulad ng 2012 Middle East Respiratory Syndrome (MERS-CoV) na nagmula sa SAudi Arabia at 2003 Severe Acute Respiratory Syndrome (SARS-CoV) na nagmula din sa bansang China.

SINTOMAS NG Novel Corona Virus (2019-nCoV)

  • Karaniwang sintomas: lagnat, ubo’t sipon, hirap o problema sa paghinga.
  • Malulubhang kaso: pneumonia, acute respiratory syndrome, pagkamatay.

PAANO NAIPAPASA ANG CORONA VIRUS?

Ang virus na ito ay maaaring maipasa sa mga malapit o close contact ng mga tinamaan ng sakit na ito. Maaari itong maipasa sa pamamagitan ng pag-ubo, pag-bahing at sa mga nahahawakan ng pasyente tulad ng mga door knob at mga hawakan ng hagdan.

Halimbawa: Ang taong may virus ay umubo at ginamit ang kamay pantakip ng kanyang bibig tapos humawak sa isang bagay. Ang bagay na ito ay contaminado na ng mikrobyo, maaari nang makuha ng susunod na hahawak sa bagay na ito.

PAANO MAIIWASAN ANG CORONA VIRUS?

  • Ugaliing maghugas lagi ng kamay o gumamit ng Alcohol o hand sanitizer.
  • Magsuot ng face mask tuwing lalabas o sa maraming tao.
  • Lumayo at takpan ang bibig at ilong kapag uubo at babahin gamit ang panyo o tissue.
  • Umiwas sa taong may lagnat, ubo at sipon.
  • Umiwas din sa paghawak ng mga hayop na apektado ng coronavirus.
  • Lutuing mabuti ang mga pagkain tulad ng karne at isda.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here