Masamang Sintomas ng Fatty Liver Disease

0
7627

Ang Fatty Liver disease ay isang kondisyon na kung saan naiimbak ang sobrang dami ng taba sa atay. Maaari itong magdulot ng maraming komplikasyon tulad ng Cirrhosis na nakamamatay kung hindi maaagapan.

May 2 uri ng fatty liver disease, ang alcoholic fatty liver at non-alcoholic fatty liver.

Ang alcoholic fatty liver ay dulot ng sobrang pag-inom ng alak. Unti-unting napipinsala ang atay hanggang sa hindi na nito kayang tunawin ang mga taba.

Ang Non-alcoholic fatty liver naman ay ang sobrang dami ng taba na nakapalibot sa atay na hindi na ito kayang tunawin.

MGA SENYALES NG FATTY LIVER

Ang karaniwang senyales ng mga taong may Fatty liver ay ang paninilaw ng balat at mata, mabilis manghina, matamlay, pumapayat, walang gana sa pagkain at pananakit sa tyan.

SAAN NAKUKUHA ANG FATTY LIVER DESEASE?

PAG-INOM NG ALAK
Ayon sa mga eksperto, ang labis na pag-inom ng alak ay nakakapinsala sa kakayahan ng atay na tunawin ang mga tabang pumupunta dito.

LABIS NA KATABAAN
Ang mga sobrang calories ay nagdudulot ng Fats sa palibot ng liver.

DIABETES
Ang mga taong may diabetes ay may mataas na tyansang magkaroon ng liver disease katulad ng fatty liver.

LABIS NA CHOLESTEROL SA DUGO
Ang mataas na blood cholesterol ay dumadaan sa liver na kung saan maaari itong makadamage rito.

MANA SA PAMILYA
Ayon sa mga pag-aaral ang Fatty liver ay maaring mamana o maaring magpataas ng tyansang magkaroon ng sakit na ito.

TIPS PARA MAKA-IWAS SA FATTY LIVER DESEASE

  • Umiwas sa matataba, mamantika at matatamis na pagkain. Mas makakabuting gulay at prutas ang kainin.
  • Umiwas din sa sobrang pag-inom ng alak.
  • Mag-exercise para matulungan ang liver sa pagtunaw ng taba.
  • Ugaliing magpa-check up sa Doctor.
  • I-follow ang Healthy Info page para makakuha ng araw-araw na health tips.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here