GAWIN ITO KAPAG INAATAKE NG HIGH BLOOD

0
18888

Sa post na ito, malalaman nyo ang mga first aid kung kayo ay inaatake ng high blood. Makakatulong din ito kung may mga kasama kayong may high blood.

Isa ang High Blood o Hypertension sa kinakatakutang karamdaman dahil maaari itong mauwi sa stroke, heart attack at kung hindi ito malalabanan maaari itong ikamatay ng pasyente.

Ang ilang sintomas ng high blood ay pananakit ng batok, mabigat ang ulo at pagkahilo ngunit may mga pasyenteng walang nararamdamang senyales. Kaya naman tinatawag ang high blood na “Silent Killer”.

GAWIN ITO KAPAG INAATAKE NG HIGH BLOOD

MAGPAHINGA
Paupuin at pagpahingahin ang pasyente ng 15 minuto at sabihing mag-relax. Payuhan din itong huminga ng mabagal at malalim.Bigyan sya ng sapat na hangintulad ng pagpaypay o electric fan.

SUKATIN ANG BLOOD PRESSURE
Kunin ang blood pressure ng pasyente, at siguraduhing tama ang pagkuha nito. Kapag ang pasyente ay palaging mataas sa 140 over 90, ito ay nangangahulugan na mataas na ang presyon ng dugo nito.

PAINUMIN NG GAMOT
Kung ang taong nakakaranas ng high blood ay may mga maintenance medicine, ipainom ito sa kanya.

May mga first aid medicine na nilalagay sa ilalim ng dila upang bumaba agad ang blood pressure. Magpakonsulta sa Doctor upang mabigyan ng reseta sa gamot na ito.

May mga pagkakataong hindi naman kailangang painumin agad ng gamot ang taong naha-highblood, kailangan lang nitong mag-relax upang makadaloy ng maayos ang dugo nito.

Painumin ng tubig ang pasyente upang ma-relax ito. Makakatulong din ang maligamgam na tubig upang lumuwag ang daluyan ng dugo.

*Kung hindi bumababa ang blood pressure ng pasyente at nahihirapan itong huminga, idala agad ito sa emergency room ng ospital para mabigyan ng tamang gamot.

PAANO MAIIWASAN ANG HIGH BLOOD PRESSURE

BAWASAN ANG MGA PAGKAING MAALAT
Ang sobrang Sodium o asin sa katawan ay nakakapagpataas ng blood pressure. Basahin ang mga label ng mga pagkaing binibili sa mga grocery store. Iwasan din ang mga processed foods dahil matataas ang sodium content ng mga ito.

MAG-EXERCISE ARAW ARAW
Ang pag-eehersisyo ay makakatulong upang makaiwas sa high blood. Pinapalakas din nito ang ating puso at baga.

MAGBAWAS NG TIMBANG
Mas may tyansang tumaas ang presyon ng dugo ang mga taong matataba.

DAGDAGAN ANG POTASSIUM
Ang potassium ay tumutulong upang mapababa ang epekto ng sodium sa blood pressure. Mas mabuting kumain ng mga sariwang prutas at gulay na mayaman sa potassium kesa sa mga supplement.

UMIWAS SA PANINIGARILYO
Ang sigarilyo ay masama sa ating kalusugan, mas mabuting itigil ang bisyong ito kung mas gusto nating mabuhay ng matagal.

BAWASAN ANG STRESS
Ang stress ay maaaring magpataas ng blood pressure. Umiwas din sa pakikipag-away dahil maaaring maghalo-halo ang nerbyos at galit na magpapataas sa iyong blood pressure.

LAGING MAGPASURI NG BLOOD PRESSURE
Ang pagpapa check-up sa Doctor ay isa sa mga kailangan nating gawin lalo na kung may pagbabago tayong nararamddaman. Ipasuri ang blood pressure para malaman kung may high or low blood ka. Mabibigyan ka rin ng tamang payo at mga gamot na iyong iinumin.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here